PILIPINAS, MAY 20 GINTONG MEDALYA AT PASOK SA PANG-ANIM NA PWESTO SA 7TH ASEAN PARALYMPICS SA MYANMAR

Nakasungkit na ng 20 gintong medalya ang Pilipinas sa pagpapatuloy ng ika-7 ASEAN Para Games sa Myanmar.

Sa huling medal tally, nananatili ang Pilipinas sa ika-anim na pwesto na may kabuuang 60 medalya, 19 dito ang silver at 21 ang silver.

Sa athletics, may anim na ginto na ang delegasyon sa pangunguna nina Prudencia Panaligan, Sixto Ducay, Isidro Vildosola, Marites Burce at Jeanette Acebeda.

Anim na ang ginto sa chess na may kabuuang 14 medalya, apat ang silver habang apat ang bronze.

Sa swimming, may kabuuang 12 medalya, lima ang ginto, apat sa silver at tatlong bronze.

Sa table tennis, dalawa ang naka-ginto habang isa sa powerlifting.

Nangunguna pa rin ang Indonesia na may 99 gold, 69 silver at 49 bronze; pangalawa ang Thailand na may 96 gold, 82 silver at 70 bronze at pumangatlo na ang Malaysia na may 50 gold, 49 silver at 41 bronze.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports

January 21, 2014 @ 10:20 AM