PHIL ARMY, HUMAKOT NG PARANGAL SA AUSTRALIAN ARMY SKILLS

Humakot ng parangal ang Philippine Army sa Australian Army Skills at Arms Meeting (AASAM) nitong Abril 28 hanggang Mayo 18 sa Puckapunyal Military Area sa Victoria, Australia.

Nasungkit ng 18 kinatawan ng Pilipinas sa kumpetisyon ang 14 gold medals, 56 silver at 2 bronze maging ang pinag-aagawang Commander In Chief trophy.

Bahagi ng kumpetisyon ang kahusayan sa paggamit ng riple, pistola at machine gun.

Natalo nito ang tropa mula sa Australia, Brunei, New Zealand, United Kingdom, Tonga, Japan, Indonesia, Singapore, Thailand, East Timor, Canada, France, United Marine Corps at United States Army.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

May 18, 2014 @ 06:23 PM