PCG, PINAG-IINGAT ang mga RESIDENTE sa mga LUGAR na MAAAPEKTUHAN ng HABAGAT

662px-Philippine_Coast_Guard_Auxiliary_Unit_Seal

Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga residente sa lugar na maapektuhan ng Habagat.

Inaasahan ito sa mga susunod na araw kasabay ng pagpasok ng bagyong ‘Ineng’ sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, inalerto na nila ang kanilang rescue unit at special operations group sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng Habagat at ng bagyo.

Nagpaalaala din ang Coast Guard na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa lahat ng lugar na may itataas na storm signal.

Ani Balilo, nananawagan din sila sa mga mangingisda na huwag magpakampante at patuloy na i-monitor ang lagay ng panahon bago pumalaot.

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/PCG%2C_nakaalerto_na_sa_mga_lugar_na_posibleng_tamaan_ng_bagyo.html

August 18, 2015 @ 05:49 PM