PASAWAY na PASSPORT APPLICANTS, BAN sa DFA

proxy

Sisimulan nang ipatupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang buwang ban sa mga pasaway na aplikante ng pasaporte na hindi sumisipot sa kanilang naka-iskedyul na appointment.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Asec. Charles Jose, ang bagong regulasyon ay ipatutupad sa mga online passport applicants ngayong Hunyo na makikita ang epekto sa mga mapapatawan ng 1-month ban sa mga susunod na buwan. Aniya, bibigyan ng konsiderasyon ang mga aplikante na may balidong dahilan sa hindi pagsipot sa kanyang appointment. Kailangan lamang aniya na umapela ang aplikante at magpakita ng pruweba sa hindi nito pagsipot upang mapagbigyan.

Iginiit ni Jose na nasasayang ang “slots” na dapat ay para sa mga naka-iskedyul na aplikante sa appointment at hindi na-accommodate ang totoong aplikante.

Samantala, masayang ibinalita ni Jose na hindi na mahihirapan pa ang mga overseas Filipino wrokers (OFWs) sa pag-aaplay ng pasaporte. Ito ay matapos na maglagay na ang DFA ng OFWs courtesy lane sa Aseana sa Pasay City kung saang hindi na kailangan pa ng appointment.

Ang satellite office sa Robinson’s Galleria ay lalagyan rin ng eksklusibong lane para sa mga OFWs.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com:8080/bansa/2016/06/03/1589642/pasaway-na-passport-applicant-iba-ban-ng-dfa

June 3, 2016 @ 03:57 PM