PANIBAGONG GALAW SA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO, ASAHAN NGAYONG LINGGO

Nag-abiso na ngayon ang ilang kompaniya ng langis kaugnay sa gagawing paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.

Ayon sa ulat, tinatayang aabot P0.20 hanggang P.40 ang itataas ng kada litro ng diesel habang posibleng pumalo sa P0.10 hanggang P0.20 ang madaragdag bawat litro ng gasolina.

Posible ring magmahal ng P0.20 hanggang P0.40 ang kada litro ng kerosene.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://bomboradyo.com/news/latest-news/item/56408-panibagong-oil-price-hike-asahan-ngayong-linggo#sthash.ch7gYIgI.dpuf

April 28, 2014 @ 08:39 AM