PANGULONG NOYNOY AQUINO, MARIING ITINANGGI NA PINILIT SI LTO CHIEF VIRGINIA TORRES NA UMALIS SA PWESTO

Iginiit ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi niya pinilit si Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres na umalis sa pwesto.

Gayunman, inamin ni PNoy na tinalakay niya kay Torres ang kabutihan ng pag-alis nito sa gobyerno matapos masangkot sa isyu ng paglalaro sa casino nang makunan ng video.

“Less stress for her, less stress for her family, at saka baka better for the agency na it attends to everything that it has to attend to rather than maski papaano mada-divert ang focus at ‘yung attention. I don’t think I forced her, told her the lay of the land, quoted certain things and she agreed with the end point.”

Nilinaw naman ni PNoy na hindi siya naniniwalang sangkot sa korapsyon o sa mga naunang kontrobersiya si Torres, pero hindi na anya niya maipagtatanggol ang opisyal dahil malinaw ang ebidensyang video laban dito.

“At the basis of the last incident parang that was very clear… Ako hindi ako naniniwala for instance [sa] mga binabatikos sa kanya na doon sa mga kontrobersya nung umpisa na may pinapaboran ganito ganyan, may katiwalian, hindi ko makitang gagawin niya ‘yun o kaya ba niya gawin ‘yun. Although sabi ko baka dito merong prejudgment in that last incident, is that still a necessary activity for me to get into? ‘Yung defense of her something like that.”

Paglabag sa memorandum circular 8 ang pagpasok at paglalaro sa casino ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno, maging ng mga militar at pulis.

Ipinaubaya naman na ni PNoy kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya ang paghahanap ng kapalit ni Torres.

Lunes, inanunsyo ni Torres ang pagreretiro.

 

NEWS ARTICLE FROM http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/PNoy%2C_itinangging_pinilit_si_LTO_Chief_Torres_na_umalis_sa_pwesto.html

October 8, 2013 @ 10:07 AM