PANGALAN NG ‘BIG 4′ TINIYAK NA NASA LISTAHAN PA RIN NG MGA ‘MOST WANTED’ – CIDG

Tiniyak ni CIDG Director C/Supt. Benjamin Magalong na hindi na-delist sa listahan ng most wanted persons ang natitirang big four. Ito’y matapos maaresto si Globe Asiatique President Delfin Lee.

Kabilang sa tinutugis ay ang magkapatid Joel at Mario Reyes, retired General Jovito Palparan at dating Dinagat island representative Ruben Ecleo Jr.

Aminado si Magalong na sa nangyari hinggil sa kaso ni Lee ang kanilang natutunan ay kailangan ng sapat na tiyaga at pagpursige o ang tinatawag na “due diligence”.

Dagdag pa ni Magalong na hirap sila sa pag locate sa big four dahil sa ibat ibang intelligence information na kanilang natatanggap na kailangan pa ng validation.

Giit ng heneral na walang time frame sa pag-aresto sa big four kung saan nangangailangan ito ng sapat ng panahon.

Dahil dito, todo ingat na ang PNP sa gagawing pagde-delist sa pangalan ng mga wanted na una ng lumikha ng kontrobersya at ng ito ay mahuli si Globe Asiatique President Delfin Lee.

Ayon kay Magalong na sakaling muling may makaharap silang kahalintulad na pangyayari, unang-una nilang gagawin ay ang makipag-linawan agad-agad sa korte at kumunsulta sa lanilang legal service.

Dagdag pa nito na masusi din nilang sisilipin ang kaukulang proseso at kailangang protocol kung pag-uusapan ang delisting.

Matatandaang kinuwestiyon ng mga abogado ni Lee ang pagka-aresto sa kanilang kliyente kamakailan sa gitna ng iginigiit nitonbg ibinasura na ng court of appeals ang kaso at delisted na sa listahan ng most wanted persons na pirmado mismo ni Magalong.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/50101-pangalan-ng-big-4-nasa-listahan-pa-rin-ng-most-wanted-persons-cidg#sthash.WIelovHC.dpuf

March 18, 2014 @ 09:48 AM