PAMUNUAN ng MANILA INT’L AIRPORT, IGINIIT na WALANG AIRPORT CONGESTION sa NAIA

binga-dam1

Iginiit ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Jose Angelo Honrado na walang airport congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang press conference Miyerkules ng umaga, sinabi ni Honrado na nagkakaroon ng delay sa flight dahil sa iba’t ibang rason ng mga airline company.

Halimbawa umano rito ang insidente kung saan hindi nakalilipad ang mga eroplano dahil masama ang panahon sa destinasyon nito. Nagkakaroon rin umano ng technical problem ang ilan.

Nagkakaroon anya ito ng domino effect na nagdudulot naman ng air traffic.

Pinag-aaralan na umano ng MIAA kung paano papatawan ng multa ang mga kumpanya na idinadahilan ang airport congestion sa delay ng biyahe sa NAIA.

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/MIAA%2C_iginiit_na_walang_airport_congestion_sa_NAIA.html

August 26, 2015 @ 05:59 PM