PAMBATO NG PINAS NA SI ANGELI DIONE GOMEZ, WAGI SA MISS TOURISM INTERNATIONAL

May humabol pa sa hanay ng mga Pinay beauty na nagbigay ng karangalan sa bansa nitong 2013.

Bisperas ng Bagong Taon nang koronahan si Miss Philippines Angeli Dione Gomez bilang Miss Tourism International 2013/2014.

Tinalo ng 20-anyos na Pinay beauty queen sina Sunidporn Srisuwan ng Thailand at Sarah Czarnuch ng Malaysia na naging first at second runner-up.

Siya na rin ang humalili sa kapwa-Pinay at kababayan din sa Cebu na si Rizzini Alexis Gomez, ang Miss Tourism International 2012.

Ayon sa New Straits Times, magiging travelling ambassador ang bagong Miss Tourism International “to spread the message of peace, goodwill and friendship.”

Plano ngayon ni Angeli Dione Gomez, “The first thing I plan to do is to meet my family whom I have not met for about one month and have a nice breakfast with them tomorrow.”

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Entertainment

January 1, 2014 @ 07:38 PM