PAMBANSANG KAMAO MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO, HINDI PA MAGRERETIRO SA BOKSING

download

Wala pang balak si Manny Pacquiao na isabit ang kaniyang gloves.

Pinabulaanan ng eight-division champion na magreretiro na siya tulad ng inihayag ng kaniyang longtime promoter na si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Sa ulat ng Agence France-Presse sinabi ni Pacquiao kaya pa niyang lumaban.

“I know better what is happening to my body,” pahayag ng Filipino boxing icon.

Sa isang panayam ay sinabi ni Arum na isang laban na lamang si Pacquiao upang tutukan ang mundo ng pulitika.

“I believe he [Pacquiao]’ll take one more fight, then run for the Senate in the Philippines.”

Sa kasalukuyan ay nagpapahinga pa rin si Pacquiao upang pagalingin ang natamong injury sa kaniyang kanang balikat.

Isa sa mga matutunog na makakalaban ni Pacquiao sa susunod na taon ay ang dati niyang sparring mate na si Amir Khan ng Britain.

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/psn-palaro/2015/09/07/1497005/pacquiao-pinabulaanan-ang-pagreretirong-sinabi-ni-arum

September 7, 2015 @ 06:10 PM