PALIWANAG NG DSWD UKOL SA NABULOK NA RELIEF GOODS, BITIN

Pinasusumite nang Senado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) office ng actual report kaugnay ng mga nabulok na relief goods na dapat sana’y ipamimigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Bagamat ayon kay Senate finance committee chairman Chiz Escudero, idenepensa ni Social Sec. Dinky Soliman na kakaunti lamang ang mga nabulok na relief goods na kanilang inilibing upang matiyak na hindi na makain at magdulot pa ng masama sa kalusugan ng mga residente.

“Well ayon sa kanila kakaunti lamang naman at kukunti lamang naman, kaysa makain o mapakain o magkamali pang mapadala sa kung saang lugar, maganda na yung ginawa nilang binaon pero nagbabago pa yata yung figures, from one sack naging four sacks of rice and Secretary Soliman committed to submit to us the actual date upon the questioning of Senator Binay,” ani Escudero.

Naniniwala si Escudero na may kakulangan sa panig ng pamahalaan kaugnay ng relief operations sa mga biktima ng kalamidad.

“Definitely merong inefficiency somewhere, definitely hindi pa natin nape-perfect, kahit na lang yung pagdistribute natin ng plastic bag na may lamang bigas, lata ng sardinas, instant mami noodle at kape, hindi rin naman efficient yon mismo dahil yung mga tinamaan ng bagyo, kalamidad o baha, walang bahay, walang plato, walang tinidor, walang pambukas ng delata… Kahit naman yon ay inefficient at kahit naman yon hindi pa talaga eksakto pero patuloy pa rin ginagawa,” dagdag pa ng senador.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/50103-senado-bitin-sa-paliwanag-ng-dwsd-ukol-sa-nabubulok-na-relief-goods#sthash.wbpV3vp8.dpuf

March 18, 2014 @ 09:41 AM