PAKIKIPAG-ALYANSA NG UNA SA LAKAS-KAMPI, MALABO

“Walang ganu’ng alyansa malayong mangyari ‘yun.”
Ito ang tugon ni United Nationalist Alliance (UNA) secretary general at Navotas Rep. Toby Tiangco kaugnay sa umuugong na pakikipag-alyansa diumano ng Lakas Kampi ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa bagong partido ni Vice President Jejomar Binay.
Nilinaw ni Tiangco na walang “party-to-party talks” at wala ring binubuong alyansa ang magkabilang partido.
“Lakas even announced that Sen. Bong Revilla is their standard-bearer in 2016, so how can there be an alliance when they also have a presidential candidate?” ayon sa solon.
Binakbakan din ni Tiangco ang komento ng political analyst na si Mon Casiple na may kinalaman sa usaping pinansiyal ang pakikipagsanib-puwersa ni Binay sa Lakas.
“First, the remark made by Mon Casiple is irresponsible and baseless. Second, the nature of alliances is not about money. We want to forge alliances based on common principles and shared visions,” sabi ng solon.
Kinumpirma rin nito na na siya at si Sen. JV Ejercito ay naatasan na kumilos para sa posibleng pakiki­pagpareha sa mga indibiduwal na may parehong ha­ngarin at layunin ng Bise Presidente.
“Aside from those who want to transfer to VP ­Binay’s new party, there are case-to-case talks with those who have local parties or those whose national party affiliation will have no presidential candidate; and those who will be given a free hand by their national party to choose their presidential preference since their party has no presidential candidate or no formal alliance with any natio­nal party,” paliwanag pa ni Tiangco.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante-tonite.com/issue

March 22, 2014 @ 08:23 PM