PAGTATAYO NG NUCLEAR POWER PLANT, HINDI PA NAPAPANAHON

Wala pang pangangailangan upang magtayo ng nuclear power plant sa bansa ayon sa Makanyang.

Sa harap ito ng nararanasang brownout sa Mindanao at Luzon dahil sa pagbagsak ng ilang power plant.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi ikinukonsidera ang naturang panukala dahil nakakasa na ang Energy Reform Agenda at Philippine Energy Plan ng Department of Energy (DOE) na layong magtiyak na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa kahit pa matapos ang 2016.

Bilang patunay anya nito, sa 2015 ay matatapos na ang konstruksyon ng mga bagong planta na inaasahang magreresolba ng rotational brownout maging sa Mindanao.

Giit pa ni Coloma, minana lamang ng pamahalaang Aquino ang problema sa enerhiya mula sa nakalipas na administrasyon.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

May 18, 2014 @ 06:09 PM