PAGLAGO NG EKONOMIYA NG PILIPINAS SA UNANG QUARTER NG 2014, BUMAGAL NG 5.7%

Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng 2014.

Sa anunsyo ng Philippine Statistics Agency (PSA), naitala sa 5.7 porsyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang tatlong buwan ng taon.

Mas mababa ito sa 6.3% GDP growth forecast mula sa huling kwarter ng 2013, gayundin sa 7.7 porsyentong paglago noong unang kwarter ng 2013.

Ito ay bunsod pa rin umano ng iniwang epekto ng mga bagyong tumama sa bansa noong nakalipas na taon na inasahan nang makakaapekto sa 1st quarter ng 2014.

Ngunit naging malaking tulong sa ekonomiya ang masiglang services at industry sector.

Sa naitalang paglago, ikatlo ang Pilipinas sa ngayon sa may pinakamaunlad na ekonomiya sa Asya sunod sa China at Malaysia.

Kabilang umano sa mga kailangang tutukan ng pamahalaan ang isyu sa enerhiya, rekonstruksyon sa mga sinalantang lugar at maging ang banta ng El Niño.

Gayunman, kumpiyansa ang pamahalaan na masasapul nito ang growth forecast ngayong 2014 na 6.5 -7.5 percent.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Ekonomiya_ng_bansa_sa_Q1_ng_2014%2C_bumagal_sa_5.7%25.html

May 29, 2014 @ 04:19 PM