PAGKAKALOOB NG TAX INCENTIVE SA MEDIA, ISINUSULONG SA KAMARA

Isinulong ng dalawang mambabatas ang pagkakaloob ng tax incentive sa mga media outlet sa pamamagitan ng pagbabawas ng 10 porsiyento ng sisingiling buwis sa mga maglalabas o magla­lathala ng mga positibong adbokasiya.

Sa ilalim ng House Bill No. 4274 na inihain nina AKO Bicol party-list Reps. Christopher Co at Rodel Batocabe, ipinanukala ng mga ito na pagkalooban ng tax incentive ang broadcast at print media na tumututok o nagbibigay pahalaga sa gender equality, human rights, environmental protection, family values, patriotism, transparency and accountability, national peace and unity at iba pa na manggigising at magbibigay-aral sa publiko.

Kapag naisabatas ang naturang panukala, babawasan ng 10 porsiyento ang air time rates at cost of space para sa kada patalastas o anunsyong may education content.

“It further provides that all expenses incurred in the production of commercials, advertisements, and/or programs in compliance with the proposed Act as endorsed by the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Publishers Association of the Philippines (PAPI), Philippine Press Institute (PPI) and other media organizations, shall enjoy tax deduction of not more than 10 percent of the gross operating expenses of the advertisers or sponsors.

These commercials, advertisements, or programs are actually delivered to the general public, the bill provides,” ayon sa panukala.

 

SOURCE: http://www.abante-tonite.com/

May 18, 2014 @ 06:06 PM