PAGHARAP NG MGA WHISTLEBLOWERS SA HEARING NG PORK BARREL SCAM, TINIYAK NI DE LIMA

May mga whistleblower na haharap ngayon sa gagawing pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committer kaugnay sa kontro­bersyal na P10 billion pork barrel scam.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Sec. Leila de Lima, kasabay ng pahayag na may “go signal” na ang mga whistleblower na dadalo bukas para sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa kontrobersyal na pork scam.

Sinabi ni De Lima, ayaw na rin nitong ma­ging constitutional issue ang naturang usapin at umabot pa sa Supreme Court.

Kaugnay nito’y kukuwestiyunin din umano ni De Lima sa pagdinig ang hindi pagpapadalo sa nakapiit na negosyanteng si Janet Lim Napoles na itinuturong utak sa P10 bilyon pork barrel scam.

Una nang nagdesisyon si Senate President Franklin Drilon na huwag na lamang lagdaan ang subpoena para kay Napoles at sa halip ay sumunod sa abiso ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na huwag ipatawag sa imbestigasyon ng Senado ang isa sa umano’y pork barrel queen.

 

NEWS ARTICLE from http://www.abante.com.ph

http://www.abante.com.ph/issue/sep2613/news03.htm#.UkSINNLryaQ

September 26, 2013 @ 12:22 PM