PAGBABALATKAYO AT PAGIGING HIPOKRITO HINDI NAAAYON SA PANAHON NG KWARESMA – CARDINAL TAGLE

Ang tunay na mensahe ng Kuwaresma ay pagkakawanggawa, pananalangin at pag-aayuno o fasting at hindi panahon ng pagbabalatkayo o pagiging hipokrito.
Ito ang bahagi ng homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang Ash Wednesday mass kung saan ang pagkakawangga na may kapalit, pagdarasal at pag-aayuno para magpapansin ay mga huwad na pagsasakripisyo.
Aniya, mismong si Hesukristo ang nagsabing ang pagiging hipokrito at pagbabalatkayo ng ilang indibiduwal tulad ng mga pulitiko ay hindi naaayon sa panahon ng Kuwaresma.
“Pupuwede pa lang magkawanggawa, magdasal at mag-ayuno hindi para bumalik sa Diyos kundi para patanyagin ang sarili, tawagin ang atensyon ng mga tao sa sarili, para pansinin ako at hangaan ako at sabihin nila ‘tingnan mo naman, how generous that person is?’ O kaya, ‘tingnan mo naman, laman ng Simbahan bakbak na ang tuhod sa pagdarasal nang paluhod.’

 

At kung ako ay pulitiko, may boboto pa sa akin dahil nagkawanggawa ako. Hindi papunta sa Diyos kundi papunta sa sa­rili? Ano ang tawag ni Hesus sa mga ganoon? Hypocrite! Hipokrito! Engaging in religious activities not in order to return to God but to be full of self. That is not holiness. That is definitely not a way to return to God. That is hypocrisy!” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante-tonite.com/

March 6, 2014 @ 09:40 AM