PAG-INOM NG KULANTRO, WALANG BASEHAN, HINDI GAMOT SA TIGDAS AYON SA DoH

Walang basehan na ang pagpapainom ng kulantro ay makakapagpagaling sa sakit na tigdas.

Ito ang inihayag kahapon ni Health Asst. Sec. Dr. Eric Tayag, spokesman ng Department of Health (DOH) at director ng National Epidiomology Center.

Sinabi ni Tayag na hindi naman makakatulong ang kulantro sa pagpapa­galing ng sakit at sa halip ay posibleng maging corrosive pa kapag nilagok ng pasyente.

“Mothers should not brew kolantro & make their children drink this; It will not modify course of #measles; It can be a corrosive when swallowed,” tweet ni Tayag.

Samantala, makikipagpulong ang DOH sa mga health officers at maging sa civil society ngayong araw (Lunes) hinggil sa problema ng bansa sa tigdas outbreak.

Ayon kay Tayag, pag-uusapan dito ang mga pamamaraang dapat gawin para mapigilan ang pagkalat ng tigdas.

“@dohgovph meets #NCR city health ­officers and civil society tomorrow to step up efforts in #measles vaccination TARGET: NOT ONE LESS,” ayon pa sa tweet ni Tayag.

Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa mga magulang na dalhin sa mga health centers at pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas.

Ipinaliwanag ni Tayag, ang tigdas ay isang contagious viral disease at maaaring makamatay kung magkakaroon ng komplikasyon.

 

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.abante.com.ph/issue

January 6, 2014 @ 11:30 AM