PACQUIAO, NAGSIMULA NG MAG-ENSAYO PARA SA NALALAPIT NILANG LABAN NI BRADLEY SA ABRIL

Mag-uumpisa na ng training si Saranggani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao bilang paghahanda sa rematch nito sa Amerikanong si Timothy Bradley Jr. sa Abril 12.

Sinimulan na ni Pacman ang pagtakbo noong nakaraang linggo, pero sasabak pa lamang ito sa gym ngayong Martes.

Ayon kay Buboy Fernandez, kaibigan at assistant trainer nito, sa PhilBoxing na “light lang muna” ang training ni Pacman.

“A few rounds with the mitts and stretching. He’ll also work on the double end ball and the speed ball to start regaining eyes, hands and feet coordination.”

Hindi naman nangangamba ang kampo ni Pacquiao sa kanyang stamina at pangangatawan dahil palagi itong sumasabak sa physical activities.

“Alam mo naman, Manny plays basketball regularly, kaya ‘yung stamina n’ya, lagi naman nandoon,” ani Fernandez.

“And before flying to the U.S. for the media tour last week, Manny started his road work by running for 30 minutes daily sa Forbes Park kapag nasa Maynila at dito sa GenSan kung nandito siya.”

Uumpisahan ng Pinoy boxer ang pag-eensayo nito sa General Santos City bago lumipad pa-Los Angeles kung saan sasabak naman siya sa training ni Coach Freddie Roach.

“Ang bilin lang sa amin ni coach Freddie (Roach), i-prepare si Manny para pagdating niya, preparado na si Manny sa very extensive training regimen na inihanda niya,” ani Fernandez.

 

NEWS ARTCLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports/

February 18, 2014 @ 10:27 AM