PACQUIAO – BRADLEY FIGHT, MULING NILULUTO

grace-poe-presidential-promises-2016

MALAKI ang posibilidad na si Rep. Manny Pacquiao ang makaharap ni WBO welterweight Timothy Bradley matapos ang panalo nito laban kay Brandon Rios sa pamamagitan ng knocked out sa ika-siyam na round.

Una rito, sinabi ni Top Rank big boss Bob Arum na posibleng magkaroon ng Bradley-Pacman third fight kapag nagpakita ang 32-anyos na American boxer nang impresibong panalo kay Rios.

Napabilib naman umano si Arum sa performance ni Bradley kaya’t posibleng plantsahin ang laban nila ng kongresista.

Sinabi ng top rank boss na sabik na rin ang American boxer na muling kaharapin si Pacquiao.

Unang nagharap ang dalawang boksingero noong June 9, 2012 sa MGM Grand Garden Arena sa Nevada at nanalo si Bradley sa pamamagitan ng kontrobersiyal na split decision para makuha ang WBO welterweight title.

Muli namang nagkita sa boxing ring ang Filipino at American boxer noong Abril 12, 2014 sa parehong venue ay nanalo si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision, nabawi ang title belt at tinuldukan ang undefeated streak ni Bradley. 

 

SOURCe:

http://www.remate.ph/2015/11/pacman-bradley-fight-posible-arum/

November 9, 2015 @ 08:01 PM