P2K PENSION INCREASE, IPINOPORMA SA SENADO

malacanang-logo-1

Isinusulong na rin sa Senado ang panukalang magkaroon ng P2,000 across-the-board increase sa buwanang pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).

Sa Senate Bill 2888 ni Senator Teofisto ‚ÄúTG‚ÄĚ Guingona III, nais nitong amiyendahan ang Republic Act 1161 o ang Social Security Act of 1997.

Ayon kay Guingona, mas matutugunan ang pangangailangan ng mga pensioners ng SSS kung magkakaroon rin ng adjustment sa buwanang pensiyon ng mga miyembro.

Inaasahang makiki­nabang ang tinatayang 2 milyong pensioners ng SSS sa sandaling ma­ging ganap na batas ang panukala.

Ipinunto pa ni Guingona na 18 taon na ang nakakaraan ng magkaroon ng 10% pagtaas sa pension ng SSS.

May kahalintulad na panukala sa Kamara na pumasa na sa ikatlong pagbasa at inaasahang papasa rin ang nasabing bill sa Senado.

Kung maging batas, ang mga pensioners na tumatanggap ng P1,200 ay magiging P3,200, samantalang ang mga tumatanggap ng P2,400 ay magiging P4,400.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/09/1485916/p2000-pension-increase-sa-sss-itinutulak-din-sa-senado

August 9, 2015 @ 10:35 AM