P2.264T 2014 NAT’L BUDGET, APRUB NA SA KAMARA

Napagtibay na sa Kamara ang P2.264 trilyon national budget para sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng ‘viva voce vote’ ay mabilis na napagtibay ng plenaryo ang bicameral conference committee report ng budget.

Bago nagkaroon ng botohan, kinwestyon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang nilalaman ng 2014 budget dahil marami umanong nabago kumpara sa original proposal ng Palasyo subalit hindi na ito nasagot pa dahil dumiretso na sa botohan ang mga kongresista.

Ang ratipikadong 2014 budget ay mas mababa ng tatlong bilyong piso mula sa proposal ng Palasyo. Hindi naman naging problema ang quorum sa plenaryo dahil 253 congressmen ang dumalo sa plenaryo.

Iaakyat na rin sa Malakanyang anumang araw mula ngayon ang kopya ng budget para sa paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III.

December 17, 2013 @ 05:44 AM