P10 COMMEMORATIVE COIN NA NAGBIBIGAY PUGAY KAY GAT. ANDRES BONIFACIO, INILABAS NA NG BANGKO SENTRAL

Inilabas ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong P10 coin na nagbibigay pugay kay Gat. Andres Bonifacio na bago lamang ipinagdiwang ang P150 birth anniversary nitong nakalipas na November 30.

Ang P10 commemorative coin ay nandoon ang imahe ni Bonifacio na may markings na “150 years”, “Republika ng Pilipinas” at “2013.”

Sa kabilang side ng bagong P10 coin ay ang BSP seal, pirma ni Bonifacio, naukit din ang Bonifacio monument at markings na “150 years”, “1863-2013″ at naka-feature rin ang salitang “Dangal at Bayanihan.”

Umaabot sa 10 million piraso ng Bonifacio commemorative coin ang inilabas ng BSP.

Ang hugis ng bagong coin ay kasinglaki (26.5-millimeters in diameter) at timbang (8.70 grams) ng kasalukuyang umiiral na P10 coin.

Ipinalabas ang bagong salaping bayarin batay na rin sa rekomendasyon ng BSP Monetary Board na inaprubahan ng Office of the President.

 

CHECK OUT : http://www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/36339-bagong-p10-coin-inilabas-ng-bsp-pagpugay-kay-bonifacio#sthash.FXKaVJ7h.dpuf

December 18, 2013 @ 07:32 AM