NORTHEAST MONSOON, BAHAGYANG LUMAKAS NGAYONG ARAW (Marso 06, 2014)

Unti-unti nang tumataas ang temperatura sa bansa sa kabila ng patuloy na pag-iral ng Amihan o northeast monsoon.

Paliwanag ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, sa panayam ng DZMM, ito ay dahil ang ibang bahagi ng Amihan mula sa ibang bansa ay dumadaan sa Karagatang Pasipiko.

Ngunit ngayong Huwebes, sinabi ni Mendoza na “medyo nga muling lumakas ang ating hanging Amihan e.”

Sa araw na ito, magiging maaliwalas pa rin ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas bukod na lamang sa pulo-pulong mahinang pag-ulan

Pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman ang aasahan sa Mindanao bagama’t maaliwalas pa rin ang panahon ngayong Huwebes.

May gale warning ngayon sa mga baybayin sa silangan at hilagang bahagi ng Northern Luzon dahil pa rin sa Amihan. Aabot pa rin anya sa 4.5 metro ang alon sa mga naturang lugar.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 6, 2014 @ 09:29 AM