NERI NAIG, NAKUNAN

binga-dam1

Nakunan din si Neri Naig, ayon sa isang ulat ng isang entertainment website.

Inamin ni Neri sa kaniyang panayam sa Push na nakunan siya dalawang buwan na ang nakararaan.

“Well, I lost my baby two months ago,” banggit ng Kapamilya actress.

Ang nalaglag na bata ang una sana nilang anak ni Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar.

Nitong Mayo ay inanunsyo ni Chito na nagdadalang tao si Neri.

Ikinasal ang dalawa nitong Disyembre ng nakaraang taon.

Bukod kay Neri, nakunan din sa ikalawa namang pagkakataon si Mariel Rodriguez, habang ganito rin ang sinapit ni Pokwang.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/08/26/1492454/neri-naig-nakunan-din

August 26, 2015 @ 06:05 PM