MVP, INALOK NG FIBA BILANG HOST NG ASIA-PACIFIC 3X3 LEG ng WORLD TOUR MASTERS SA AGOSTO

Tinawagan kamakailan ni FIBA secretary-general Patrick Baumann si PLDT chairman at SBP president Manny V. Pangilinan kung maaaring pamahalaan ng Pilipinas ang FIBA Asia-Pacific 3×3 leg ng World Tour Masters at may opsyon na idaos ang finals sa Agosto.

Ito ay isang indikasyon na humanga ang gover-ning body sa pagsasagawa ng SBP sa nakaraang FIBA-Asia Championships.

Wala si Baumann sa Manila para sa FIBA-Asia Championships ngunit nasaksihan naman ni FIBA president Yvan Mainini ang pagsugod ng mga fans sa Mall of Asia Arena sa playoffs.

Ilang opisyales din ng FIBA ang nasa bansa, kabilang dito sina director of communications Patrick Koller, ang director ng TV at bagong media rights na si Paul Stimpson at si  head of licensing and marketing Ana Brito.

Napanood nila kung paano nagwala ang mga fans nang talunin ng Philippines ang South Korea sa semifinals para makamit ang automatic ticket sa FIBA World Cup sa Spain sa Agosto 30 hanggang Setyembre 14.

Kahit wala ang 3×3 events, sinabi ni Pangi­linan na ang kanilang kalen­daryo para sa 2104 ay ma­giging abala para sa Philippine basketball.

Kasama rito ang pagsali sa U-17 World Cup sa Dubai sa Agosto, sa 3×3 sa  Youth Olympics sa China sa Agos­to, sa FIBA World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Incheon sa Setyembre 1 hanggang Oktubre  4.

Kinumpirma ni Pa­ngi­linan na susubukan ng SBP na mag-bid para pamahalaan ang FIBA-Asia Championships sa 2015 na siyang  zonal qua­lifier para sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.

Ang magkakampeon ang tanging makakapag­laro sa Brazil.

 

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/psn-palaro/

January 27, 2014 @ 10:30 AM