MORO NATIONAL LIBERATION FRONT (MNLF), DISMAYADO SA BANGSAMORO PEACE DEAL; PLANONG PAGBUKOD NG MINDANAO, ISASANGGUNI SA UNITED NATIONS

Muling umalma ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa umuusad na Bangsamoro peace agreement sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa isang radio nterview, sinabi ni MNLF Spokesperson Reverend Absalom Cerveza na dismayado ang kanilang hanay sa nagaganap na negosasyong pangkapayapaan.

“I’m very sorry about it, kami’y nalulungkot, sa aming palagay, ito po ay walang pagpapahalaga sa mga bagay na nangyari at mga bagay na nilagdaan ng nakaraang mga administrasyon, hindi nila pinahalagahan ang commitment ng gobyerno especially sa amin,” sabi ni Cerveza.

Mismong si MNLF Leader Nur Misauri anya, dismayado sa pinatutunguhan ng negosasyon dahil nawala na lahat ng oportunidad na maresolba ang kaguluhan sa Mindanao.

“Kahapon po ay nag-usap kami, and he feels sorry about it because this has closed all the opportunity to resolve the southern Philippine peacefully, hindi na natin makamtan yung kapayapaang dala ng 1996 Peace Agreement,” ani Cerveza.

Gayunman, ikinatuwa ng MNLF ang itinatakbo ng peace process dahil mistulang tinanggalan na sila ng tali mula sa pamahalaan upang tuluyang ihiwalay sa bansa ang buong Mindanao.

“That will open to us a new opportunity to decolonize the whole of Mindanao, hindi lang po ang isang bahagi ng Mindanao but the whole of Mindanao,”

Ikinakasa na rin anya ng kanilang hanay ang mga negosasyon sa kanilang panig upang tuluyang bumukod at gawing hiwalay na bansa ang Mindanao.

“Wala kaming gagawin except to do what is neccessary that is to now pursue the movement to decolonize Mindanao to the possible avenue and that is through asking the United Nations to help in decolonization,” sabi ni Cerveza.

Paniwala ni Cerveza, sa halip na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao ay kaguluhan ang posibleng idulot sakaling maisapinal ang Bangsamoro peace agreement.

“The moment you take away the rights of people in the place where they are, ang resulta niyan ay gulo.” dagdag ni Ceveza.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

January 27, 2014 @ 10:35 AM