MIRIAM / BINAY, WALA pang SENATORIAL CANDIDATES

PNoy-in-nueva-ecija

Sa apat na presidential team na maglalaban-laban sa presidential seat sa 2016, tanging sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Miriam Defensor-Santiago ang posibleng hindi makabuo ng 12 senatorial candidate.

Ito ang paniniwala ng isang mambabatas sa Ma­babang Kapulungan ng Kongreso na hindi na nagpa­banggit ng pangalan kapalit ng opinyon niyang kahit mahigit 100 ang nagpalista sa Commission on Elections (Comelec) para tumakbo sa Senado.

“I doubt na makabuo ng mga seryosong kandidato sina Binay at Miriam,” komento ng mambabatas dahil kapwa may bahid umano ang dalawa na iiwasan ng mga kandidato sa pagka-senador.

Sinabi ng impormante na ang corruption issue laban kay Binay ang nakikita nitong dahilan kaya hindi sasampa sa kanyang partidong United Nationalist Alliance (UNA) ang mga senatoriables.

Hanggang kahapon ay tatlo pa lamang ang siguradong senatorial candidate ng UNA na kinabibilangan nina Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao at actress-politician Alma Moreno.

“Kay Miriam, huli na na siyang nagdeklara kaya baka hindi rin siya makabuo ng sentorial line-up,” ayon pa sa impormante. 

 

SOURCE:

http://www.abante.com.ph/news/nat/36413/binay-at-miriam-di-makakabuo-ng-12-senatorial-slate.html

October 19, 2015 @ 01:26 PM