MGA ‘YOLANDA SURVIVOR’ SA TACLOBAN, MASAYANG SINALUBONG ANG BAGONG TAON

Kahit dumaan sa matinding kalamidad, masaya pa ring sinalubong ng mga taga-Tacloban ang Bagong Taon.

Bisperas pa lamang, mahaba na ang pila ng mga mamimili na abala sa paghahanda para sa selebrasyon.

Pagtungtong ng alas-12:00, sinabayan ng fireworks ang pagpapalit ng taon habang nagsindi naman ng paputok ang ilan.

Alternatibong pampaingay katulad ng lata at tambol naman ang gamit ng iba.

Sa isang libreng concert sa munisipyo, inaliw ng Kapamilya actor at singer na si Rico Blanco ang mga residente.

Positibo ang mga biktima ng Bagyong Yolanda na magpapatuloy ang pagbangon at pag-unlad ng siyudad ngayong 2014 matapos ang trahedya noong nakaraaang taon.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region

January 1, 2014 @ 07:33 PM