MGA TAUHAN NG ‘MEGAFORCE SECURITY’, FACE-TO-FACE SA PNP NGAYONG ARAW

Sabay-sabay na umanong reresolbahin ng “all-female preliminary investigation panel” ang kasong isinampa ng TV host/ actor na si Vhong Navarro laban sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee at model/actress Deniece Cornejo at ang counter-charges na inihain ng mga ito laban sa aktor.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, ngayong araw ay nakatakda umano siyang maglabas ng kautusan para sa consolidation ng mga kaso.

Maalala na nag-ugat ang kaso matapos ang nangyaring pambubugbog ng grupo ni Lee kay Navarro noong January 22 sa loob ng condo unit ni Cornejo.

Inaakusahan naman ng aktres si Vhong ng umano’y panghahasa sa kaniya.

“We will consolidate the cases to expedite the preliminary investigation and also to avoid conflicting findings,” ayon sa opisyal.

Samantala, nakatakda namang humarap ngayong araw sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame ang mga security personnel na naka-duty sa Forbeswood Heights condominium nang mangyari ang insidente.

Sinasabing pagpapaliwanagin ng PNP ang mga tauhan ng Megaforce Security Agency sa umano’y kawalang aksyon ng mga ito sa nangyaring mauling incident.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/42970-mga-tauhan-ng-megaforce-security-haharap-sa-pnp-ngayong-araw#sthash.CugPg41w.dpuf

February 3, 2014 @ 10:16 AM