MGA PASAHERO NG MAKATI SHUTTLE BUS, ‘NO NEED’ NA NG MRT TICKET

Tinanggal na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kondisyong pabilhin ng Metro Rail Transit (MRT) ticket ang mga sasakay sa libreng shuttle service ng Makati City.

Ito’y matapos igiit ng lokal na pamahalaan na hindi ito makatwiranat taliwas sa hangaring makapagbigay ng libreng sakay.

”We have decided to waive the condition we initially set of requiring passengers of the free shuttle to purchase a single journey MRT ticket to avail of the free shuttle service,” pahayag ni LTFRB Chairperson Winston Ginez.

Gayunman, pinanatili ng LTFRB ang isa pang kondisyong pagprisintahin ng Makati-based company ID ang mga mananakay bago paakyatin ng bus alinsunod na rin sa ordinansa ng lungsod.

“If the Board allows all commuters going to Makati City to avail of the free shuttle service ride even if they are not workers or employees in Makati City contrary to the express and mandatory provisions of the said Ordinance, the Board will be allowing something which is not specified in the Libreng Sakay ng Makati Ordinance,” ani Ginez.

Matatandaang lumabas ang dalawang kondisyon kasabay ng pagbibigay ng special permit ng LTFRB sa mga bus ng Makati noong Mayo 16.

Umarangkada ang libreng sakay ng mga bus ng Makati noong Marso 27 para maghatid ng mga kababayang apektado ng mahabang pila sa MRT mula North Avenue sa Quezon City patungo sa Ayala Avenue mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Mga_sasakay_sa_Makati_shuttle_bus%2C_%27di_na_kailangan_ng_MRT_ticket.html

June 16, 2014 @ 06:57 PM