MGA NAPINSALANG PAARALAN SA PANANALASA NI YOLANDA, UMABOT SA 4,500 ANG BILANG – DEPEd

Nadagdagan pa ang bilang ng mga klasrum na winasak ng Bagyong Yolanda.

Sa patuloy na pangangalap ng datos ng Department of Education (DepEd), lumobo na sa 4,500 ang natuklasang nasira mula sa apat na rehiyong hinagupit ng bagyo, pinakamarami sa Leyte.

Ani DepEd Secretary Armin Luistro sa DZMM, “Akala ko medyo humahabol na kami dun sa kakulangan [ng klasrum] pero biglang pagdating ng ‘Yolanda’ nadapa tayo nang malaki-laki.”

Lahat ng klasrum na ito ay dapat nang mapalitan. “Kailangan tibayan na natin ‘yung mga klasrum kasi mahirap ‘yung naghahabol ka nang naghahabol,” dagdag ng kalihim.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

November 26, 2013 @ 11:55 AM