MGA NAGUGUTOM NA PINOY, NABAWASAN – SWS

Bagama’t nabawasan ng isang milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa survey ng Social Weather Station (SWS), tila hindi masaya dito ang Palasyo ng Malacañang dahil epektibo umano ang anti-poverty program ng gobyerno.

Base sa survey ng SWS noong Setyembre 20 hanggang 23, umaabot na lamang sa 17.9% ang hunger incident sa Pilipinas o katumbas ng 3.9 pamilyang Filipino ang nakakaranas ng gutom.

Mas mababa ito ng isang milyong pamilya kumpara sa survey noong Hunyo 2013 kung saan 22.7% ang hunger incident sa bansa o katumbas ng 4.9 milyong pamilyang Filipino.

Gayunpaman, sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda na bagama’t nakakatuwa aniya ang resulta ng survey, self-rate aniya ang survey.

“Alam mo ang hunger kasi… ang SWS survey is self-rated e. It’s a perception also,” pahayag ni Lacierda na tila hindi kuntento sa resulta ng survey.

 

SOURCE: http://www.abante.com.ph/issue

November 21, 2013 @ 11:39 AM