MGA IKAKANTA NG 2 EX-NBI OFFICIALS, INAABANGAN NG PALASYO

Inaabangan ng Palasyo ang ibubunyag ng dalawang sinibak na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., hihintayin ng Malacañang ang ibubunyag nina dating NBI Deputy Dir. Roel Lasala at Reynaldo Esmeralda matapos silang sibakin sa kanilang puwesto.

Unang sinabi nina Lasala at Esmeralda na may ilang NBI officials ang malapit kay Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Coloma, dapat malaman ang katotohanan at dapat ay suportado ito ng mga kongkretong ebidensya.

Wika pa ni Sec. Coloma, dapat daw mapanagot ang nagkasala at may kasalanan na nakabatay sa ebidensiya.

“Hihintayin natin ang kanilang pagbubunyag. Kailangang mabatid ang buong katotohanan, at kung ang paglalahad ay batay sa kongkretong ebidensya. Dapat mapanagot ang may pananagutan,” wika pa ni Coloma.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/bansa

March 18, 2014 @ 09:28 AM