METRO MANILA, SENTRO NG TALAMAK NA KORAPSYON – SEN. MIRIAM

Bumanat muli ng kanyang mga “quotable quotes” si Senadora Miriam Defensor-Santiago matapos na ilarawan nito ang Metro Manila bilang isang lugar ng matinding korapsyon kung kaya’t nanawagan itong wakasan na dahil nagiging “vicious cycle” na aniya ito sa kasalukuyan.
“Welcome to Metro Manila, the seat of government, the seat of glamor, bling and unfortunately, also the seat of the most atrocious corruption you’ve ever seen,” pahayag ni Santiago sa mga delegado ng International Youth Leadership Conference sa Taguig City kahapon.
Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Santiago na ang mga pulitiko ay tumatakbo hindi dahil gusto nilang magsilbi sa taumbayan kundi para magnakaw sa pondo ng taumbayan.
“Kasi una, kailangan marami kang pera para manalo ka. O ‘di ma­ngungutang ka, e ‘di may utang na loob ka,” sabi ni Santiago. “Pagkatapos ‘pag nasa pwesto ka na e ‘di nakaw ka ng nakaw para mabayaran mo ang mga pinangutang mo at mabili mo ngayon ang mga botante sa mga susunod na halalan,” dagdag ng senadora.
“It’s a vicious cycle of corruption, corruption, corruption. Walang pag-asa itong mga matatanda na ito, mga sexy at mga pogi,” pasaring pa ni Santiago.
Pinasaringan pa ni Santiago ang mga kasama sa Kongreso nang sabihin nito kung ano ang katangian ng mga ‘world-class leaders’ kung saan dapat aniyang may mga ‘skills’ at ‘know­ledge’ ang mga ito.
“This level of achievement is the result of hard work, experience and learning,” sabi ni Santiago.
“Kaya ganyan ang Kongreso natin, dahil ‘yung mga kasapi dun hindi nila alam ang hard work, experience and learning,” dagdag pa nito. “That’s the problem. Many members of Congress are non-­educable,” ayon pa sa senadora.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante-tonite.com/

March 22, 2014 @ 08:19 PM