MAYWEATHER JR., INUTUSANG BAYARAN SI PACQUIAO NG MAHIGIT $100,000

Inutusan ng isang hukom sa Estados Unidos ang boksingerong si Floyd Mayweather Jr. na magbayad ng mahigit $100,000 na legal fees kay Manny Pacquiao.

Sa ipinalabas na desisyon ni Judge Larry R. Hicks ng Nevada, dapat bayaran ni Mayweather si Pacquiao ng $113,518.50 o halos P4.7 milyon na legal fees at $774.10 o halos P32,307 bilang court costs.  Kaugnay ito ng kasong defamation na isinampa ni Pacquiao kay Mayweather noong Setyembre 2009.

September 19, 2012 @ 02:50 PM