MAYNILAD, MAGRARASYON NG TUBIG SA MGA APEKTADONG LUGAR NG ‘WATER INTERRUPTION’ SA SUSUNOD NA LINGGO

mar-and-grace-for-2016

MAGRARASYON ng tubig ang Maynilad sa mga apektado ng water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila at Cavite sa susunod na linggo.

Ayon kay Maynilad Media Relations Officer Grace Laxa, handang magrasyon ng tubig ang Maynilad sa apektadong lugar. Mayroon aniyang 35 water tanker na magdadala ng tubig.

Una nang nagsabi ang Maynilad na mawawalan ng tubig sa Caloocan, Manila, Pasay, Makati, Para-ñaque, Muntinlupa, Las Piñas, Cavite City, Bacoor, Imus, Kawit, Rosario, Noveleta mula Agosto 10 bandang 1 p.m. hanggang Agosto 13 dakong 10 p.m., at mula Agosto 17 dakong 1 p.m. hanggang Agosto 18 dakong 3 p.m.

Paliwanag ni Laxa, ang interruption ay magbibigay daan sa flood interceptor project ng DPWH na inaasahang makokompleto sa loob ng limang araw.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/mar-and-grace-for-2016

August 6, 2015 @ 11:54 AM