MAY-ARI NG MGA POWER PLANTS NA MAGSASABWATAN SA BIG TIME POWER RATE HIKE, BINALAAN NG PALASYO

Walang puwedeng  mangibabaw sa batas kasama na ang mga independent power producers (IPPs) kapag napatuna­yang nagsabwatan ang mga ito para magtaas ng presyo ng kuryente na aabot sa P4.10 kada kilowatt hour simula ngayong buwan.

Ito ang babala ng palasyo ng Malaca√Īang sa pamamagitan ni¬†Presidential Communication Operation Office (PCOO) Sec. Herminio ‚ÄėSonny‚Äô Coloma Jr. sa press briefing¬†¬†kahapon.

‚ÄúWala pong nasa ibaba ng batas, lahat po ay tinatrato na naaayon sa batas,‚ÄĚ pahayag ni Coloma¬†kung saan ginagawa na umano ng Department of Energy (DOE) at¬†Energy Regulation Commission (ERC) ang kanilang trabaho para imbestigahan kung may sabwatan sa hanay ng mga IPPs na pag-aari ng mga mayayamang angkan sa Pilipinas.

‚ÄúDepartment of E¬≠nergy¬†is working with the Energy Regulatory Commission¬†to address this concern.¬†Malinaw po ang mandato ng batas na hindi dapat abusuhin sa anumang¬†paraan¬†‚Äėyung pagkilala natin sa market forces, ani Co¬≠loma.

Handa umanong ipataw ng gobyerno ang nararapat na parusa sa mga umaabusong negosyante para lamang mapalaki ang kanilang kita habang naghihirap naman ang mga consumers.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.abante.com.ph

December 12, 2013 @ 09:51 AM