MATAPOS MAG-ANUNSYONG TATAKBO para BISE PRESIDENTE; BONGBONG MARCOS, ‘TO BE ANNOUNCED’ ang RUNNINGMATE

senator-bong-bong-marcos-2

Nakatakdang ianunsyo ni Senator Bongbong Marcos sa Sabado ang magiging running mate niya sa darating na eleksyon.

Ito’y sinabi niya nang siya’y unang humarap sa media matapos ang pagdedeklara ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente noong Lunes.

Ayon kay Marcos, personal niyang nakausap si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at nagpahayag naman ito na handa niyang suportahan si Marcos sa kanyang kandidatura.

Gayunpaman, wala pa rin desisyon si Duterte kung siya ay kakandidato bilang pangulo sa 2016.

Nag-usap na rin umano si Marcos at Vice President Jejomar Binay, pero tinanggihan ng senador ang alok na maging running mate ni Binay dahil sa kanilang magkaibang pananaw sa pulitika.

Dagdag pa ni Marcos, sakaling manalong VP, at mayroon silang political differences ng mananalong pangulo, handa umano siyang makipagkasundo.

Kahit sinong VP umano ay dapat na magkaroon ng modus vivendi, o kasunduan o kompromiso sa kabila ng magkakaibang pananaw, para makapagtrabaho nang normal.

Ipinauubaya na umano ni Marcos sa publiko ang desisyon kung karapat-dapat ba siyang maging bise presidente ng bansa.

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Running_mate_ni_Marcos%2C_iaanunsyo_sa_Sabado.html

October 8, 2015 @ 06:52 PM