MARINDUQUE, NIYANIG NG MAGNITUDE 4.6 NA LINDOL

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Boac Marinduque, ala-1:57 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 14 kilometro hilagang-kanluran ng Boac.

May lalim na isang kilometro ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity I sa Quezon City; intensity II sa Los Baños, Laguna habang intensity III naman sa Guinyangan, Quezon at Lipa, Batangas.

Walang naiulat na pinsala o nasugatan mula sa pagyanig.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region

January 27, 2014 @ 10:11 AM