MANILA CITY MAYOR ERAP ESTRADA, nakaTAKDANG MANUMPA kay PANGULONG DUTERTE

proxy

Nakatakdang manumpa si Manila Mayor Joseph Estrada kay Incoming President Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Ito naman ang inihayag ni Estrada matapos silang  magkausap nito sa telepono kamakalawa ng gabi.

‚ÄúCongratulations Mr. President. I am the president¬† be¬≠fore and you are the Mayor of Davao. Now, you are the president and I am the Mayor of Manila. I want to take my oath of office with you in Malaca√Īang on or before June 30,‚Ä̬† ani Estrada.

Ayon kay Estrada, malaking karangalan sa kanya  na mapapayag si Duterte sa kanyang kahilingan na dito  manumpa matapos na manalo sa  nakaraang  halalan.

Sinabi ni  Estrada na masaya siya sa pagkapanalo ni Duterte dahil  alam niyang  magiging epektibo ito na  maibigay ang pagbabago na kailangan ng bansa.

Makakaasa umano ang  administrasyong Duterte ng   suporta mula sa  kanya.

Naalala pa ni Estrada ang  paninirahan ni Duterte  sa  Brgy. Corazion de Jesus noong siya ay nag aaral pa ng  abogasiiya.

Dagdag pa ni Estrada, noon pa man ay matapang na si Duterte at ang tama lang ang kanyang pinaniniwalaan na nagresulta ng kanilang pagkakaibigan.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com:8080/psn-metro/2016/06/03/1589489/erap-manunumpa-kay-duterte

June 3, 2016 @ 04:27 PM