MAMASAPANO CASE, HINDI PA SARADO – LAWYER

Residents survey January 28, 2015 the scene in Tukanalipao, Mamasapano Maguindanao where 44 SAF members died and 11 others wounded during a clashed with combined forces of MILF and BIFF.

Hinde pa maituturing na sarado na talaga ang kaso ng Mamasapano operations kahit tanggap na ng Malakanyang ang tunay na pangyayari sa likod ng nasabing madugong operasyon na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF).

Ayon kay Atty. Vitaliano Aguirre, abogado ni dating saf head C/Supt. Getulio Napenas na hindi pa rin sila kuntento.

Ito’y sa kabila ng pagbibigay tuldok ni Pangulong Noynoy Aquino sa nangyari, matapos tanggapin na nito na ang SAF talaga ang nakapatay sa international terrorist na si Marwan.

Sinabi ni Atty. Aguirre na ang dapat na maimbestigahan ay ang punto kung sino ang nag-utos ng stand down o walang palulusubing tropa ng pamahalaan kahit pa nagmamakaawa na ng reinforcement ang tropa ng SAF sa panahong napaligiran na sila ng mga kalaban.

Pahayag ni Aguirre na hanggang ngayon ay palaisipan sa lahat kung bakit hindi agad nakapagpadala ng reinforcement ang pamahalaan gayong maaga pa lamang noon ay naipaalam na sa matataas na opisyal ng gobyerno na naipit na sa bakbakan ang tropa ng SAF.

Iginiit ni Aguirre na hindi dapat kalimutan ang unang depensa noon ni dating AFP chief of staff retired Gen. Gregorio Catapang Jr sa isang forum sa up na hindi ito nakapagpadala agad ng artillery support sapagkat baka mabulilyaso ang peace process.

Pahayag ni Aguirre, kapag hindi naimbestigahan ang usaping ito, malamang hindi pa rin talaga magkaroon ng closure ang Oplan Exodus.

 

 

SOURCE:

http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/121710-kaso-ng-mamasapano-ops-hindi-pa-maikokonsiderang-sarado#sthash.JWuCwncK.dpuf

September 18, 2015 @ 05:32 PM