MALL SECURITY PAIIGTINGIN ngayong ‘BER MONTHS’

11909812_1120944354585589_670623677_n

Kasabay ng pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall ngayong ‘ber’ months, minarapat ng Metro East Coordinating Council na magpulong para sa seguridad ng mga mall at iba pang establisimyento.

Pinamunuan ni Eastern Police District (EPD) director Senior Superintendent Elmer Jamias ang meeting ng konseho na binubuo ng mga security manager ng malls, hotels, at restaurants sa mga lugar na nasasakupan ng Metro Manila East.

Ayon kay EPD Assistant Spokesperson Cathy Capinpin, nagkaroon ng palitan ng security protocol ang mga may-ari ng mall at Philippine National Police.

Sa loob ng mall aniya nakabantay ang security guards habang sa labas naman nakaposte ang police assistance desk at iba pang patrol personnel.

Handa aniya ang SWAT sakaling may malaking krimen tulad ng nakawan o hostage taking .

Nasa direktiba aniya ng pamunuan ng mga mall kung ipagbabawal ang pagsusuot sumbrero at shades na nauna nang ipinatupad noong umatake ang martilyo gang.

Patuloy naman aniyang ipinatutupad ang pagbabawal na bitbitin ang hardware tools sa loob ng mall.

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Mall_security%2C_paiigtingin_sa_pagpasok_ng_%27ber%27_months.html

September 18, 2015 @ 05:10 PM