MAGALLANES INTERCHANGE REHABILITATION, PINAMAMADALI NG MMDA

Sa halip na walong buwan, nais ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tapusin na sa loob ng apat na buwan ang rehabilitasyon ng Magallanes Interchange sa lungsod ng Makati.

Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon ng Interchange sa darating na Biyernes (Mayo 30).

Sa pulong kahapon ni MMDA Chairman Francis Tolentino at DPWH, iginiit ni Tolentino na sa halip na 8-buwan ga­gawin ang rehabilitasyon, kung maaari ito’y tapusin na sa loob ng 4-buwan.

Una nang sinabi ng DPWH na aabutin ng 8-buwan ang rehabilitasyon ng interchange dahil limitado lamang ang oras ng kanilang trabaho dito mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-­singko ng madaling-araw.

Aminado si Tolentino, na asahan na ang ma­tinding trapik na idudulot nito kaya nais niyang maging mabilis ang trabaho nito.

 

SOURCE: http://www.abante.com.ph/k2-tags/news/nat/6382/magallanes-interchange-4-buwang-tatapusin.html

May 29, 2014 @ 04:17 PM