MAALIWALAS NA PANAHON ASAHAN SA SUSUNOD NA 3 ARAW – PAGASA

Maaliwalas na panahon ang malalasap ngayong Martes sa bansa.

Sa panayam ng DZMM kay PAGASA weather forecaster Jun Galang, sinabi nitong patunay nito ang kawalan ng kaulapan sa bansa, batay sa kanilang monitoring at models.

Wala ring nakataas na gale warning sa mga karagatan ng bansa.

Tatagal anya ito hanggang sa susunod na dalawa o tatlong araw.

Patuloy na magiging malamig ang panahon sa Luzon at Visayas dahil sa Amihan o northeast monsoon.

Sakop nito ang Metro Manila. Naitala sa 20.3 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura nitong Lunes.

May tsansa pa rin anyang lumakas ang Amihan sa loob ng tatlong araw ngunit hindi na ito kasinlakas nang naranasang lamig noong Enero.

Samantala magiging bahagya hanggang maulap sa Mindanao, na may aasahang pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ngayong araw na ito.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

February 18, 2014 @ 10:06 AM