MAALIWALAS NA LAGAY NG PANAHON, ASAHAN NGAYONG ARAW – PAGASA

Magiging maalinsangan pa rin ang lagay ng panahon sa bansa ngayong Lunes.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA weather forecaster Jori Loiz na makararanas lamang ang ilang lugar ng pulo-pulong pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Sa mga taga-Metro Manila, asahan pa rin anya ang posibleng pagpalo sa 36 degrees Celsius ng temperatura.

Nitong alas-2:50 Linggo ng hapon, umabot sa 35.9 ºC ang naitalang temperatura sa QC Science Garden; pinakamainit ngayong taon. Habang sarado 36ºC naman ang naranasan sa port area sa NAIA at Sangley Point sa Cavite.

38ºC naman ang naitala sa Tuguegarao at Cabanatuan.

Wala namang nakataas na gale warning sa bansa. “Safe pong mag-travel sa karagatan,” ani Loiz.

Samantala, patuloy ang pagtutok sa low pressure area (LPA) na nasa labas pa rin ng PH Area of Responsibility (PAR).

Nasa 1,000 kilometro ang layo nito sa PAR at hindi pa inaasahang papasok ng teritoryo ng bansa.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

April 28, 2014 @ 08:37 AM