LUZON at VISAYAS HINDI MAAAPEKTUHAN NG PROBLEMA SA SUPLAY NG KURYENTE NAGYONG SUMMER; MINDANAO, LALAMUNIN NG DILIM – PALASYO

Hindi apektado ang supply ng kuryente sa Luzon at Visayas ngayong summer.
Ito ang pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda matapos magbabala ang mga negosyante sa bansa na nasa krititikal na level na umano ang supply ng kuryente.
“There is no problem, supply problem with Luzon and Visayas. Ang Luzon medyo tight lang ang supply but kayang i-handle ‘yung energy concerns,” pahayag ni Lacierda kahapon.
Gayunpaman, aminado si Lacierda na magpapatuloy pa rin ang problema sa supply ng kuryente sa Mindanao dahil sa 2015 at 2016 pa matatapos ang mga karagdagang power plant sa nasabing rehiyon.
“With respect to Mindanao, ang point talaga doon, everything as stated already by Secretary Petilla even before it will fully be normalized in 2015 when the power plants owned by Alsons and by Aboitiz will be operational, sometime in 2015,” ani Lacierda.
Dahil dito, inaasahan na magpapatuloy pa rin aniya ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao kaya sa mga generators muna umaasa ang mga consumers na limitado ang supply.
Hindi rin isinasantabi ni Lacierda ang posibilidad na madagdagan ang problema ng Mindanao ngayong summer dahil mababa ang water level na siyang pag-asa ng ilang hydropower plant.
“The lowest point of the hydro ngayon is March eh, so mababa ang tubig natin ngayon for March. (By) April and May, we hope tataas na ‘yung water storage doon. So that’s the situation right now,” dagdag pa ni Lacierda.

 

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante-tonite.com/

March 18, 2014 @ 09:23 AM