LTO CHIEF VIRGINIA TORRES, PINABULAANAN ANG UMANO’Y PAGSIBAK SA KANYA NI PNoy SA PWESTO; PAGRERETIRO, INANUNSIYO NI TORRES

Pinasinungalingan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres ang ulat na siya’y sinibak sa pwesto ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa gitna ito ng mainit na kontrobersyang idinulot ng viral video ni Torres sa Internet na nakuhanan sa isang casino sa Madison Square sa Mandaluyong.

Sa isang radio interview, sinabi ni Torres na nagkausap sila ni PNoy noong Setyembre 30 sa Malakanyang at siya ang kusang nagpaalam dito na magreretiro na ngayong Oktubre.

Aniya, nagpaalam din siya kay Transportation and Communications Sec. Emilio “Jun” Abaya na unang nag-utos na paimbestigahan ang naging viral na video.

October 7, 2013 @ 10:24 AM