LRTA HINDI NA MAGBEBENTA NG SHORT VALUE (SV) TICKETS

11705219_708851422571375_810581402520801715_n

Inihayag kahapon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na hindi sila magbebenta ng Short Value (SV) ticket o magnetic card ticket sa Light Rail Transit (LRT-1) sa halip ay color coded na ticket coupon na muna ang gagamitin.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, simula ngayon ay unti-unti na nilang inaalis ang mga single journey at short value magnetic card gate sa lahat ng istasyon ng LRT-1, mula sa Roosevelt Avenue, Quezon City at Baclaran, Parañaque City.

Payo ni Cabrera sa mga may hawak pang magnetic card ticket ay ipapalit na lamang ito ng voucher na maaaring pambili ng beep card o kaya kung magkano pa ang halagang natitira nito ay ipapalit na lamang ng cash.

Ani Cabrera, ang pag­re-refund ay maaari lamang isagawa hanggang sa Agosto 15, 2015 pero kapag lumampas pa ang petsa nito ay hindi na ito papalitan pa.

Idinagdag pa nito na    tulad ng ginagamit na beep card sa LRT-2 ay beep card na rin ang gagamitin sa LRT-1 sa mga susunod na mga araw.

Layunin ng LRTA na mapabuti pa nang husto  ang kanilang serbisyo sa publiko na hindi na kaila­ngan pang pumila nang pumila ang mga pasahero para lamang kumuha ng ticket kapag sasakay ng LRT-1 at lilipat sa LRT-2.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/psn-metro/2015/08/09/1485848/lrt-1-di-na-magbebenta-ng-sv-ticket

August 9, 2015 @ 10:23 AM