LPA SA GAWING KARAGATANG PASIPIKO, TINUTUTUKAN NG PAGASA

Isang LPA ang binabantayan ng PAGASA bagama’t nasa labas pa ito ng PAR sa may Karagatang Pasipiko.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Jun Galang sa isang radio interview, malayo pa ang sama ng panahon at halos nasa lebel ng Southern Mindanao.

Tutukan pa ng PAGASA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw ang ruta nito kung tuluyan itong papasok sa bansa.

Sakaling magtuloy-tuloy, malaki anya ang tsansa nitong mag-landfall.

 

PAGTATAYA NG PANAHON NGAYON ARAW :

 

Lagay ng panahon

Umiiral pa rin ang trough of low pressure area (LPA) sa Katimugang Mindanao habang Amihan o northeast monsoon sa dulong Hilagang Luzon.

Dahil dito, magiging maulap na may hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Zamboanga peninsula, mga lalawigan ng Samar, Leyte, Palawan, Aurora, Quezon at Cagayan Valley; at Bicol region.

Mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa Cordillera at Ilocos region.

Pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

May gale warning sa northern seaboard ng Northern Luzon na babala sa mga mangingisda sa maalong karagatan.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

December 17, 2013 @ 08:07 AM